Tuesday, February 22, 2011

Talambuhay ni Magapi Reymart

                         



my long long friendz
          Ako si Reymart Magapi na ipinanganak noong Pebrero 17, 1994. Mayroon akong dalawang kapatid at ako  ang pangalawa sa aming tatlo. Sila ay sina Marck Lowie Magapi, ang panaganay at si John Elord Magapi, ang aming bunso. Isinilang ako sa Brgy, Sta.Elena, San Pablo City. Ang aking mga magulangay sina Winnie Fredo Magapi at si Lorna Magapi.

Sinimulan ko ang aking talambuhay sa edad na apat. Isinama ako noon ng aking ina sa kasal ng aking tiyahin, hindi ko makakalimuyan ang araw na iyon dahil ginawa nila akong abay sa kasal. Natatandaan ko pa na naging napakasaya ng mga bagong kasal at ang mga taong dumalo sa pagdiriwang. Pagkatapos ng kasal ay nagpahing kami sa bahay ng aking lola sa Gumaca, Quezon. Sobrang saya ng araw na iyon dahil pagkatapos ng kasal ay nagkwentuhan, nagasaya at nagkantahan  kaming buong pamilya nang magdamagan. Para sa akin ang karanasang iyon ang pinakamasaya noong ako ay bata pa.

Araw naman ng aking kaarawan noong Pebrero 17, 1999 at tumuntong na ako sa edad na limang taon, nagpunta kami noon sa dalampasigan upang doon ipagdiwang ang aking kaarawan. Inimbitahan naming sumama ang aming mga kamag-anak, malalapit na kaibigan, at kapitbahay na dumalo sa pagdiriwang na hindi nila tinanggihan. Maghapon din kaming nagkainan, naglaro at naglangoy sa dagat. Nang kami ay pauwi na ay may kakaibang pangyayari na naganap. Naiwan naming natutulog ang bunso kong kapatid sa kubo at malayo na ang aming nararating ng napansin naming siya ay nawawala. Pagod na kasi kami noon at nagmamadali na kiamning umuwi dahil pagabi na. nang kami ay bumalik na sa kubo, sobrang kaba  at pagkantaranta ang naramdaman dahil baka may nangyari sa aking kapatid nang amin siyang naiwan  ngunit iba ang nangyari. Nakita naming  siya sa kubong iyon na kasam ang may-ari at masayang kumakain ng “ice cream.” Laking pasasalamat  ng lahat sa taong iyon dahil hindi niya ito iniwanan.

ako ito pogi

Noong anim na taong gulang naman ako ay ipinasok na ako ng elementarya taong 2000. inihatid ako ng aking ina sa paaralan, ito ay ang PEMS o Placido Escudero Memorial School. Sa paaralang ito ako pumasok ng unang baiting. Pagkatapos ng klase ay lumabas ako sa paaralan at umuwing masaya dahil nagkaroon ako ng maraming kaibigan at nakakilala ng iba’t ibang uri ng tao sa lugar na iyon na hanggang sa ngayon ay hindi ko pa nalilimutan.

walang iwanan

ako to nung nagbinata
Piyesta naman ng aming Barangay noong Mayo 10, 1999. madaling araw pa lamang  ay ginising na kami ng aming ina upang magsimba. Pagkatapos ay bumalik na kami ng bahay upang magluto ng mga handa, iba’t ibang rekado ang aming niluto at ang lahat ng iyon ay masasarap, maaga pa lamang ay mayroon ng mga bisitang dumating, ang aking tiya na kasama ang kanyang pamilya. Maraming tao at sasakyan ang nagpabalik-balik sa kalsada at sa mga bahay ay ganon din. Kami ay naglakad-lakad sa labas pagkatapos naming kumain upang makita ang bandang nag-iikot sa mga bahay-bahay, napakasaya ng araw na iyon ay hindi na naming namalayan ang oras. Bumalik kami sa bahay ay madilim na. kumain kami ng hapunan atnagbihis dahil pupunta kami sa perya upang magsaya. Pagdating naming doon, nakita naming ang iba’t ibang  mga palaro tulad ng “color game,” mayroon ding mga palaro na kapag na kapag ikaw ay nanalo ay bibigyan ka ng premyong kagamitan sa bahay at mga pagkain. Magdamag kaming nagsaya at naglaro at kailanman ay hindi ko malilimutan ang napakasayang karanasang iyon.



Noong ako naman ay sampung taong gulang ay hindi ko malilimutan ang araw na nasira ang aming bahay dahil sa malakas na bagyo. Nangyari iyon noong Setyembre 10, 2004. noon ko pa lamang naramdaman at naranasan ang matinding takot at kaba na dahilan kung bakit ako nagkaroon ng trauma. Nabagsakan kasi an gaming bahay ng malaking puno dahil sa malakas na hangin at paglambot ng lupa. Dahil sa malakas na ulan, ng oras na iyon ay nasa loob pa kami ng bahay ng bunagsak ang puno, mabuti na lamang ar walang nasaktan sa amin at ipinagpapasalamat ko iyon. Pagkatapos ng bagyo ay sinimulan na namin ang pag-aayos ng bahay, tumulong din an gaming mga kamag-anak at kapitbahay. Dahil sa pangyayaring iyon ay mayroon akong mahalagang leksyong natutunan, at ito ay ang maging handa lagi sa pagdating ng bagyo dahil napakahirap pala ang mawalan ng tirahan.

Noong 2005 naman ay naranasan ang hirap ng buhay sa bundok. Nagpunta kasi kami doon upang magkamping kasama ang lahat ng boy scout at girl scout pati na rin ang aming mga guro at ang mga taong nakatalaga upang kami ay proteksyunan. Nasa ika-6 na baitang ako ng panahong iyon at marami akong natutunan upang mabuhay sa isang lugar na magubat at malayo sa kabihasnan. Tinuruan kaming gumawa ng silungang poprotekta sa amin kapag umulan. Yinuruan kaming gumawa ng apoy na gamit ang tuyong kahoy at tinuruan din kaming magluto ng aming makakain na ang paglulutuan ay kawayan. Nagpapasalamat ako dahil natutunan ko ang mga pamamaraang iyon dahil alam kong makakatulong ito sa akin at sa iba pagdating ng panahon.
  pagkatapos ng ilang taon at ilang ulit na pag-akyat sa mataas na lebel dumating ang aking kinatatakutan ayan ay ang pagtigil ko ng isang taon pagkatapos kong makapasa sa ikatlong lebel o 3rd year highschool mag 4th year na sana ako ngunit pinatigil ako ng aking mga magulang dahil sa kakapusan sa pera nasa kolehiyo na kasi ang aking kuya kaya tumaas na ang aming bayarin at gastusin naiintindihan ko naman ang aming sitwasyon kaya pumayag akong tumigil.Tumulong nalang ako sa mga gawaing bahay at pagtatrabaho habang nag-iipon sa aking muling pagpasok sa school pero dahil sa aking pagtigil kong iyon ay may natutunan naman akong leksyon sa bahay ay ayon ay dapat magsumikap sa pag-aaral habang may pagkakataon upang balang -araw ay makaahon sa kahirapan at makatulong sa magulang dahil  doon kaya ako  nagpapatuloy sa pagpasok sa paaralan at hindi ako titigil hanggang makapagtapos ako ng pag-aaral.

ako to angal ka?....

sige ngiti lang kayo dyan...



No comments:

Post a Comment