Tuesday, February 22, 2011

Talambuhay ni Alexander John Din


ah....ok



Ako si Alexander John Leonado Din. Kilala ako sa tawag na “Aljohn,” kadalasan, tinatawag ako ng aking mga kaklase na “Alex.”Nakatira ako at ang aking pamilya sa Barangay San Gabriel, San Pablo City, Laguna.Ang aking ama ay si Armando Desacula Din at ang aking ina ay si Gigi Leonado Din.Pangalawa ako sa apat na magkakapatid. Madalas kaming hindi magkasundo dahil sa hindi namin pagbibigayan sa isa’t isa. Ngunit nananatili pa rin ang respeto at pagmamahalan namin sa bawat isa.


Noong bata pa ako ay hilig ko na ang maglaro. Kadalasan, tinutukso ako ng aking mga kalaro dahil sa aking kulay ngunit umiiwas na lamang ako. Sa panahong kasama ko sila ay natanggap na din nila ako dahil sa mga magagandang katangiang ipinamalas ko sa kanila. Lahat sila ay humahanga sa galing kong maglaro ng basketbol, sipa-bola at marami pang uri ng mga larong pambata.


Sa edad na limang taong gulang ay nagsimula na ako ng aking pag-aaral sa San Miguel Day Care Center. Bilang isang estudyante sa Kindergarten at dahil ito ang unang karanasan ko sa pag-aaral ay naging mahirap para sa akin ang mga pagbabago sa takbo ng pang-araw-araw kong ginagawa. Mahirap din para sa akin ang makisalamuha sa ibang tao at mangilala ng mga bagong mukha lalo na sa klase. Ngunit sa tulong ng aking mga magulang at ng aking butihing guro, habang tumatagal ay nagkaroon na ako ng pakikisama sa aking kapwa, unti-unti kong naibaling ang aking atensyon sa pag-aaral at lubusang pagkilala sa aking mga kamag-aral. Nagsikap at nag-aral ako nang mabuti. Sa araw ng aking pagtatapos ay naging masaya iyon para sa akin dahil ito ang unang beses na tumuntong ako sa entablado upang magkamit ng Unang Karangalan. Ginawaran ako ng Gintong medalya na isinabit ng aking mahal na ina. Masayang-masaya ako at ang aking buong pamilya at ipinaghanda nila ako ng simpleng salu-salo at masasarap na pagkain.
owsss. hindi nga.

rock and roll

nyahahah...kakatawa


Sa pagtuntong ko sa elementarya sa pampublikong paaralan ng San Pablo Central School ay naging masaya ako sa panahon ng inilagi ko doon. Parati akong inilalaban ng aking mga guro sa iba’t ibang uri ng kompetisyon sa larangan ng Sining. Maraming beses na ako ang inilalaban sa mga kompetisyon gaya ng Quiz Bee at maayos naman ang kinalalabasan ng pagsabak ko sa bawat kompetisyong iyon kaya’t napatataas ko pang lalo ang aking mga marka. Sa ika-5 baitang  ay lumipat na ako sa Mababang Paaralan ng San Gabriel Elementary School. Naging madali para sa akin na makisalamuha dahil halos lahat ng aking mga kamag-aral ay ang aking mga naging kalaro noong ako ay bata pa lamang. Mas lalo pa akong ginanahang mag-aral sa kabatirang iyon. Nang ako ay nasa ika-6 na baitang na ay sumali ako sa pangkat ng mga manlalaro sa larangan ng baseball. Sa bawat laban ng aming grupo ay dito ko naipamalas ang aking galing, tapang at determinasyon sa aking paglalaro. Isang malinis at tapat na paglaban ang lagging ipinamamalas  ng aming grupo.dahil sa kagalingan ng aming team,nakamit namin ang tagumpay,at nag-uwi kami ng karangalan na ipagmamalaki ng aming paaralan.at pagdating ko sa aming paaralan maraming mga tao ang sumalubong at bumati.
Dahil sa mga katangiang iyon ay nagkamit kami ng Ikalawang karangalan at medalyang Pilak. Isa rin ako sa mga napiling manlalaro para sa STCAA o Palarong Panlunsod. Naging mas matatag pa ako at ang aming buong grupo. Inilaban kami sa iba’t ibang lugar bilang isang pangkat ng manlalaro para sa buong lugar ng Laguna. Hindi naging madali para sa amin na makasungkit ng karangalan dahil sa ang lugar na pinagdausan ng laro ay parang isang disyerto. Sa  kabila ng determinasyon at hanagaring magkamit ng karangalan ay malugod naman naming tinanggap at iniuwi ang medalyang Bronze. Hindi man namin nakamit ang unang karangalang aming inasam ay masaya naman kami dahil nakayanan naming magtagal sa laban. Tuwang-tuwa ako at ang aking mga magulang dahil isa ako sa mga atletang nag-uwi ng karangalan para sa distrito ng Laguna. Sa aking pagatatapos ay ginawaran ako bilang Manlalaro ng Taon.


Sa pagtuntong ko sa Sekondarya sa Col.Lauro D. Dizon Memorial National High School ay maraming mga pangyayari na hindi naging katanggap-tanggap para sa akin at pinagsisisihan kong talaga. Naging mahirap para sa akin ang unang taon at ikalawang taon ko sa haiskul dahil marami akong mga bagong kaklase na nahihirapan akong pakisamahan dahil sa kanilang mga pag-uugali. Noong una ay talagang hindi pa ako handa sa pagsabak sa mga pagbabagong ito ngunit pinagsikapan kong kumilos ng wasto at naaayon dahil hindi na ako isang bata. Di kalaunan ay naging mga kaibigan ko na din naman silang lahat. Kasama ko sila sa lahat ng mga lakad at masasayang karanasan.


Ngunit sa paglipas ng mga panahong ginugol ko kasama ng aking mga kaibigan na halos pamamasyal at gimik na lamang ang iniintindi ay hindi ko na namalayang napababayaan ko na ang aking pag-aaral. . Nagtuluy-tuloy ang aking masamang nakaugalian. Nasa ika-3 taon na ako nang muntik na akong mag-ulit ng taon dahil sa hindi ko pagpasok sa aking klase. Halos hindi makapaniwala ang aking mga magulang sa resulta ng aking pag-aaral. Hindi naman nawalan ng pag-asa ng aking butihing ina kaya’t pinakuha niya ako ng “Summer Class” upang mapunan ko ang mga asignaturang hindi ko naipasa. Nagsikap akong baguhin ang maling gawaing naging resulta sa aking pagbabarkada. Hanggang sa ngayon na ako ay nasa ika-4 na taon na ay patuloy ang aking pagtitiyaga at nagpapakahirap akong lubusan upang makatapos ng aking pag-aaral at makamit ang minimithi kong tagumpay para sa aking sarili at para sa aking pamilya.











No comments:

Post a Comment