Monday, February 21, 2011

Talambuhay ni Jeffrey Ferrer

"baby pa kasi"
   Ako nga pala si jeffrey ferrer pinanganak noong july 8 1989 sa San Pablo city at nakatira sa san francisco calihan.anak nga pala ako nina josefina at diego ferrer at mayroon akong dalawang kapatid na sina jennifer at joane ferrer.noong maliit pa ako mahilig akong kumain ng tinapay at dumede mag hapon at umiyak.

 Uumpisahan ko ang aking talambuhay noong grade SIx.meron ako nagugustuhang isang babae at classmate ko siya kaso nga lang gusto din siya ng kabarkada ko kaya hindi ko siya maligawan.kasi baka ayun pa ang maging dahilan ng aming pagaaway kaso nga lang nilapitan ako ng aking kabarkada at sinabing bakit ayaw ko ligawan ung classmate.ang sagot ko naman sa kanya alam muba.kung bakit hindi ko nilili gawan ung classmate ko kasi gawa mu dahil may gusto kadin sa kanya,hanggang naka gradaute na kami ng elementary walang naging boy friend yung girl na yun kaya laking hinayang naming dalawang magkabarkada..pero may asawa na yun ngayun at marami na siyang anak ganon paman nag kikita parin kami at nagbibiruan.nagkwekwentuhan.
  
   Ngayung bakasyon ay nag trabaho ako sa computer shop bilang pilot ng isang character galing sa ibang bansa.sa korea tapos doon ako una nag ka roon ng girl friend sa buong buhay ko pero nagsawa din ako agad sa kanya kasi medyo isip bata pa ako noon pero mahal na mahal ko siya kahit masakit iniwan ko siya, kaya sa aking pagpasok ngayung pasukan ay malabo na ang aking mata dahil sa pag cocomputer.kaya ang hirap magsulat.

   ito ang maganda noong high school na ako maraming nangyaring hindi ko malilimutan lalong lalo na noong 4rth year na ako...pero maya ko na ung sasabihin para suprice.

  1st year high school ako noon hindi pa ako maalam mag bulakbol bahay at school lang ang alam ko medyo mahiyain pa ako lucnh break na un eh na hihiya ako kumain sa canteen kasi may binalot pa ako noon ang korni diba haha..alam nyo ba sa grandstand pa ako nakakkain ng tanghalian.nakakahiya kasi takot ako mapagalitan ako sa canteen kasi may binalot ako tapos sa kanila ako kakain wala naman binili.tapos hindi pa ako marunong makisama sa aking mga kaklase.pero hindi din nagtagal dumami rin ang aking mga kaibigan at lagi kaming magkakasama tuwing uwian at lagi pa kaming gusgusin noon.

 Eto noong second year na ako medyo exiting na dito ako natutong mag cutting pero hindi araw-araw paminsan minsan lang kapag tinatamad ako pumasok.pero hindi ako napunta sa computer sho[p gusto ko lang talaga umuwi ng maaga at ang masaya pa noon kapag nag sisipa kaming magkakaklase tapos papasok ng pawisan sa classroom ang saya noon diba.sabay papagalitan kami ng aming guro at paparusahan sabay ipapatawag ang aming mga magulang.tapos pag uwi sermon ang inabot bago kumain at matulog hanggang sa pag gising sa umaga.tapos pasok ulit ganon nanaman ang mangyayari paulit ulit lang.

  eto naman isa noong 3rd year high school na ako dito naman ako unang napaaway. noong dumayo kami ng tambay sa city high na hantong sa inuman.sabay away.dahil napabarkada ako sa mga mahilig mag inom at mag cutting kaya lagi nalang kaming napapaaway.kaya muntik na akong lumagpak sa ikatlong baitang.buti nalang nahabol pa sa project.pero tumigil din ako dahil tinamad na akong pumasok dahil na desolve ang aming section at nagkahiwa-hiwalay kaming mag babarkada.ganon po ang nangyari kaya umulit ako sa ikatlong baitang.pero sa aking muling pag pasok sa ikatlat baitang ay pinagbuti ko na ang aking pag aaral kaya naman ako ay naka akyat sa ika-apat na baitang.at ipinag patuloy ang aking pag aaral

birthday to the max
"mata palang"ulam na"
  Eto ang ang hindi ko talaga malilimutan sa lahat noong 4rth year ako noong isang taon kaya ako napatigil.simulan ko na ha..sabay sabay kaming nag enroll ng mga pinsan noong pasukan napag enroll naman kami kaso hindi naman kami napsok sa school sa computer shop ang deretyo namin kpag napasok kami hindi nagtagal nakahalata na ang mga magulang namin isa isa kaming pinuntahan sa aming mga school un doon na kami na huli n hindi kami napasok.kaya ako napatigil.sa aking pagtigil marami ako nakilalang bagong mga kaibigan.at nag pabago saking pananaw sa buhay.lagi kaming magkakasama araw-araw at na mamasyal sa mall at nag bibiruan.at kahit anong dumating problema sa amin hindi kami nag iiwanan para na kaming mag kakapitd dahil sasama kaming natutulog sa isang bahay at kung anong meron ang isa ay pag-aari na nga lahat at tuwing lingo kami ay nag sasamba sa malaking simbahan sa bayan ng san pablo.kahit minsan meron dumadating na hindi pagkaka unawan sa aming magbabarkada at tampuhan ay na aayos agad

"eto kaming mag babarkada o mag pipinsan nadin"
  At sa aking muling pag pasok sa ika-apat na baitang marami ul8 ako nakilalang kaibigan at maraming bagong hamon sa buhay ang aking naranasan.gaya ng pag minsan walang pera at walang taktang aralin.at meron din namang masayang nangyari tulad ng kapag nag sasalawan kami sa aming tambayan.at nag cutting paminsan minsan tapos nang trip sa mga kaklase namin.at higit sa ;ahat kpag nakikipag meet kami sa aming mga ktextmate.at kapag nakita nanamin sabay sabay kaming tatawa.haha
"wala lang.trip namin"
  tapos   ngayung 4rth grading period ay na momoblema kami ngaun sa aming mga procject tulad sa MAPEH ung drawing q may nagnakaw kaya gumawa ulit kami ng bago.kaso ngalang nag kakatamaran gumawa kasi nakakapang hinayang ung nagastos namin doon pero kahit ganon pinipilit parin namin matapos.para kaming lahat ay makatapos sa ika-apat na baitang..at dumating pa ang isang mahirap na proyekto tulad nitong talam buhay ko dahil limot ko na yung ibang nang yari sa anking nakaraan.
  At sa paaralan naman ay halos maging huwaran kami kahit kami ay hindi masyadong mahusay o matalino basta ang respeto bilang tao ay nasasaloob naming.at ginagawa naming ito ng maayos at bukal sa aming kalooban,katulad na lamang na pag may napulot kaming bagay na hindi sa amin ay agad naming isinasauli sa taong may ari nito.nakasanayan na naming magtulungan sa paggawa ng aming mga proyekto na pinapagawa sa aming paaralan,hindi naming inuubos an gaming mga oras sa mga walang katuturang Gawain at higit sa lahat sumusunod kami sa alituntunin at Gawain.samantalang ang isa sa aking kaibigan na si reymart ay lagi akong tinutulungan sa aking mga asignatura pagka medyo mahirap ito.palagi kaming nasagot sa bawat tanong ng aming guro.at isa ko naming kaibigan na si Alexander ay ipinagmamalaki ko dahil napakabait niya sa akin,siya ang pinakamalapit at pinaka kasundo ko sa aming  limang magkakabarkada.napapasaya nila ako dahil sa kanilang mga biro at kahit minsan ay napipikon ang iba dahil nabibiro niya ito ng hindi tama o maganda sa pandinig pero kahit ganun ay hindi kami nagtatanim ng sama ng loob sa isat-isa.kung kayat sa loob ng isang taong pagkakaibigan naming lima ay nagging matibay ito dahil ang bawat isa sa amin ay may tiwala sa isat-isa.kaya ngayong buwan ng abril na araw ng aming pagtatapos sa highschool ay magkakahiwa-hiwalay kaming lima ang iba ay magtatrabaho upang makapag ipon at magamit ko sa aking pag-aaral sa kolehiyo at alam kong mahirap ang aking tatahakin at mararanasang hirap sa buhay at kahit ganun ay kakayanin ko itong lutasin at lampasang lahat ito,dahil sa kagustuhan kong gumanda at guminhawa ang aking buhay.

 At dito na po nagtatapos ang aking talambuhay..salamat

No comments:

Post a Comment