Tuesday, February 22, 2011

Ang Talambuhay ni Jea-Anne L. Lozada (Ang Batang Iyakin)

Picture Ko Ng Isang Taon Pa Lang Ako
         Ako si Jea-Anne Lozada, labing pitong taong gulang. nakatira sa brgy san pedro spc. ipinanganak noong desyembre 23 1993. Panganay sa magkakapatid na Arjay Lozada at Jel Aila Lozada. Ang ina ko ay si Jerly lozada, at ang tatay ko ay si Alfredo Lozada. Ngayon ako'y nasa ika-apat nataon sa sekondarya at malapit ng mag tapos.

        Noong ako daw ay bata pa, malikot daw ako, ukol sa kwento ng aking ina. Noong nag isang taon ako, ay may kaunting salo-salo, kahit kaunting handa na nakayanan ng aking mga magulang, masaya ang unang birthday ko dahil sa mga mukha na masasaya ng aking mga bisita.


Graduation Picture Ko
        Anim na taong gulang ako, ng ako ay pumasok ng kinder, pag iniiwan ako ng nanay ko ako daw ay umiiyak, kasi natatakot ako mag-isa kaya minsan, nasa loob ng room namin ang aking nanay para hindi ako mag iyak.

Unang Kaarawan Ko
          Pitong taong gulang ako, ng muling naghanda ang aking mga magulang ng maganda, at masayang salo-salo sa aming bahay, madami ang nag regalo sa akin noon. Noong grade1 ako iyakin parin daw ako, kaya hatid sundo ako ng aking nanay.


         Walong taon na ko at nasa grade 2 na ko at hatid sundo pa din ako dahil iyakin pa rin ako.Tuwing walang pasok ay tandang tanda ko pa palgi kaming nagtatakbuhan.Isang araw noon ng hapon ng sabado inutusan ako ng aking ina na bumili sa tindahan takbong takbo daw ako noon dahil para mapabilis ako ng makaalpas ang naka taling aso malapit sa tindahan ng makakagat sa may tenga at sa may sintido ko malapit sa may mata ko na palagi kong nakikita kapag nanalamin ako at peklat na sa habang buhay na hinding hindi ko na malilimutan.

           Ng lumipas ang mga taon syempre hindi na nawawala ang laro.palagi kamning nag cha-chinese garter tapos minsan nga napapagalitan kami ng teacher namin hehe.Noong nag grade 5 na ako e eala na akong masyado maalala medyo may katagalan na kasi basta ang na tatandaan ko lang ay hindi na ako iyakin at hindi na rin ako sinusundo.

Noong Kunin Akong Reyna
          Lumipas pa ang isang taon nasa grade   6 na ko ay marami ng nangyari tulad ng nakukuha akong reyna hehe hindi ko nga alam kong bakit  ewan ko ba hehe pero wala pa namang masaklap na nangyari sa buhay ko.Noong grduation day  masayang masaya ako hindi dahil sa pangalawang beses kop ng makakaakyat sa stage at syempre napasaya ko ang magulang ko.may iyakan pa nga at syempre may kaunting salo-salo at masaya ang araw na yon para sakin.

         Nang pag akyat ko sa ika unang taon ng sekondarya at sa sa Dizon High ko nakilala ang aking mga kaibigan.Meron din akong naging kaklase ng elementarya na kaklase ko pa rin ng ako'y mag hay skul.Noon nga ay nag palit ma ng kulay ng palda e at half day lang noon.


       Noong ika dalawang taon ko sa sekondarya panibago na namang kakilala at kaibigan.Minsan nga sa sobrang aga ng pasok ko lagi akong nahuhuli sa klase na naging dahilan ng pagbalik ko sa ikalawang taon.labis ang pagsisisi ko kung sana hindi rin ako naging pala absent edi sana ay nasa ika tatlong taon na ako sa hay skul sa susunod na taon.dalawang subject lang ang kinukuha ko na binalikan ko noong taon.Hindi nag sawa ang magulang ko na paaralin ako kahit na nga bumalikako ng taon.Nag pasya akong kunin ang pang 3rd year na subject ko para hindi naman nasasayang ang oras at ipinasa ko naman iyon.

       Noong 3rd year na ako ay half day ako palagi dahil kaunting subject lang ang kinukuha ko dahil nakuha ko na nung isang taon yung iba.masaya naman dan ako kahit na napag iwanan na ako ng mga kaklase ko noon.Marami akong bagong kakilala.mrami na rin ang nangyari ng isang taon na iyon.

High school Picture Ko
       May mga pagkakataon nga na umaabsent ako.Ngayon nga may mga bago na naman akong kakilala pero kahit na ganon itinuloy ko pa ang aking pag-aaral ko kasi pinangako sa sarili ko na hinding hindi na ako mag babalik pa ng taon,kaya ngayon malapit na akong mag ika apat na taon sa sekondarya ay lalo ko pagbubutihan ko pa. 

         Nitong bakasyon ay nagpa-swuiming ang tito ko para ganapin ang kaarawan ng pinsan ko,ang saya nga e kahit hindi ako marunong lumangoy.Masaya na ko kasi sama-sama kami magpapamilya.

       Mahigit isang buwan pa ang bakasyon at mainit na naman ang panahon kaya napagpasyahan ng mama ko na magtinda ng halo-halo na naging mabenta naman,at nasiyahan na naman ako sa pagtitinda.

        Noonng ibinili ako ng cellphone ng mama ko ay may nakilala akong isang kaibigan na hindi ko pa nakikitaat magtatapos na ang bakasyon.Tapusan sa amin ng ng libot ng sbihin niya sa akin na gusto niya raw pumunta sa amin,nagulat nga ako e kase unang beses na may bibisit sa akin,ayaw ko pa nga siyang papuntahin kasi maaari akong mapagalitan pero nagpilit siya at malapit na daw siya sa amin.Nakilala niya ang mama ko at buong pamilya ko.

       Isang buwan ang lumipas ng magtapat siya sa akin,pero hindi naman pumayag ang magulang ko na makipag boyfriend agad ako kaya sinunod ko ang magulang ko na wag munang makipagboyfriend.Siguro nga bata pa ako para maranasan ang salitang "pag-ibig".Nang magtapos ang bakasyon ay nakikita ko pa rin siya  pero  naging magkaibgan naman kami pero hindi na tulad ng dati.Ika nga hindi hinahanap ang pag-ibig kusa itong dumadating.

       Nang magtapos malapitang na magtapos ang bakasyon ay exited na exited na ulit akopng pumasok,kaya isang linggo bago magpasukan ay namili kami ng gamit para sa pasukan.

     Sa ika apat na taon ko sa sekondarya ay masayang masaya ako at makakagraduate na ako,panibago na namang kakilala at kaibigan medyo noong una tahimik sila pero habang tumatagal na at nakakilakila na e masaya pala kahit na medyo magulo sila at syempre masaya pala maging "high school" marami na ring nangyari.

       Malapit na ang graduation at pinapangako ko sa aking magulang na makakagraduate ako para makatulong sa kanila at para maabot ang mga pangarap ko.

       Dito sa Dizon high nakilala ko ang mga totoo kong kaibigan,maraming salamat sa lahat ng alaala hinding hindi ko kayo malilimutan.

Ito ang aking talambuhay may saya at may lungkot ,sana ay magustuhan ninyo.Maraming salamat!

No comments:

Post a Comment