 |
wew.... |
 |
js namin...palag?.. |
 |
what the........nyahahah |
 |
geh geh ngiti lang nyahaha |
 |
hmf.........wala lang |
Ako si Elijah Diana Lelis
kasalukuyang naninirahan sa Pablacion del Pilar Alaminos
Laguna,ipinanganak noong ika-pito ng agosto taong 1991 araw ng
miyerkules sa Barangay Sto.Cristo SPC.ang aking mga magulang ay sina
Gng.Josephina Diana Lelis at ginoong Ruben Sarmiento Lelis,nag-aaral sa
Col.Lauro D Dizon Memorial National Highschool.nasa section 4H sa
ikaapat na antas.katulad ng iba marami rin akong mga hilig o paborito
tulad ng prutas at gulay,gusting-gusto ko ang apple at ubas.At sa gulay
ay kalabasa,pechay,cartoon character tulad nina Eugene at San gokou,sa
kulay naman ay violet,red at skyblue,at mahilig din akong magsagot ng
Sudoku sa dyaryo at kahit magbasa ng libro at kasama doon ang pagtetext.
Ako ay bunso sa walong magkakapatid na sina
Ma.gladys,Angelito,Jonalyn,Ruben jr.,marilyn,anjerico,Marjorie at
ako,ang aming mga pangalan ay kinuha n gaming mga magulang sa bibliya
para daw lagi kaming binabantayan ng diyos,kami ay binuhay ng aming ama
sa pamamagitan ng pagmamasahe o pagtetherapy,pagnenegosyo at pagagawa
ng bahay at gusali samantalang ang aming ina naman ay nasa bahay lang
at siya ang nag-aalaga,gumagabay sa aming paglaki at nagtuturo ng
magagandang ugali sa aming magkakapatid at sa kanyang mga apo.
Ang mga kapatid kong lahat ay may asawa na an gaming panganay ay si ate
Gladys,siya ay walo nang anak si angelito ang sumunod sa kanya siya ay
may tatlong anak at nagnenegosyo rin tulad n gaming ama,sumunod ay si
Jonalyn na di inaasahang pangyayari maaga siyang kinuha ng diyos sa
amin,si Marilyn naman ay may limang anak at kasalukuyang nakatira sa
barangay San Agustin Alaminos Laguna.ang sunod ay si Anjerico may isang
anak tinuruan rin sya ng aming ama sa pag-nenegosyo at pagtetherapy
kaya siya ay maayos ang buhay kahit medyo kuripot siya at ang sumunod
ay si ate Marjorie may dalawang anak siya ang bunso sa mga babae at
siya ang pinaka kasundo ko sa aming magkakapatid.
Samantalang dahil ako ang bunso ang natitirang wala pang asawa ay ako
nalang ang kasama n gaming mga magulang sa bahay,kaya lahat ng gusto ko
ay ibinibigay nila sa akin gaya ng pagkaing masasarap,pera at iba pang
kailangan ko sa aking pag-aaral kaya kahit marami kaming magkakapatid
at syempre marami narin akong pamangkin sila
Carla,Jeptie,Jael,Jimuel,Jesrel,Trixie Mae,Jeremie at ang kanilang mga
pangalan ay kinuha rin sa bibliya katulad ng sa akin,Masaya naman kami
kahit mahirap magkaroon ng sobrang daming pamangkin,ang sakit sa ulo
pero ayos lang naman kahit makukulit silang lahat Masaya parin,at kahit
minsan ay nagkakaroon kami ng mga problema nalulutas naman naming ito
ng maaga at maayos dahil rin sa tulong ng aming mga magulang,kaya
nagpapasalamat ako sa aking mga magulang na nagtuturo at gumagabay sa
aming mga desisyon at sa susunod pang desisyon na darating sa aming
buhay.
Ngayon labing-siyam
at mag-dadalawampung taon na sa ika-pito ng agosto at magtatapos narin
sa highschool at syempre may syota ako at iniirog ko siya at mahal nya
ako alam ko yun Masaya naman kami,tahimik an gaming relasyon.sa ngayon
ay wala naman kaming problema nakilala ko siya sa aming paaralan sa
dizonhigh nasa ika-tatlong baiting section D,wala rin kaming problema
sa aming mga pamilya tanggap kami,kaya nais kong mag-aral pa sa
kolehiyo upang maging isang mechanical engineering dahil bata palang
ako ay pangarap ko nang maging engineer para makatulong ako sa aking
mga magulang at kapatid,alam ko na sa pagtatapos ko ng highschool ay
ito palang ang aking unang hakbang upang maabot ko ang aking mga
pangarap sa buhay.
Marami rin
akong mga nagging kaibigang mababait katulad nalang ng aking isang
kaibigan na si Alexander napakabait niya,kailangan ko siya pagka ako ay
may problema.sa buhay ko sa highschool ay sobrang saya naman kahit
walang pera basta magkakasama kaming magkakaibigan,at tuwing linggo na
magkakasama kami sa pagsimba,pangangaral pagsaksi at paglilingkod.at
isinasagawa naming ang mga aral at utos ng diyos kayat kami ay matitino
kumpara sa ibang mga kalalakihang adik at walang pinag-aralan na walang
ginawa kundi ang tumambay at sakit sa ulo ng mga magulang kaya Ayaw
naming mapatulad sa mga taong iyon,dahil alam naming hindi maganda ang
kanilang ginagawa at hangarin sa buhay dahil alam naming ayaw nilang
sundin ang mga aral at turo ng panginoong diyos.
At sa paaralan naman ay halos maging huwaran kami kahit kami ay hindi
masyadong mahusay o matalino basta ang respeto bilang tao ay nasasaloob
naming.at ginagawa naming ito ng maayos at bukal sa aming
kalooban,katulad na lamang na pag may napulot kaming bagay na hindi sa
amin ay agad naming isinasauli sa taong may ari nito.nakasanayan na
naming magtulungan sa paggawa ng aming mga proyekto na pinapagawa sa
aming paaralan,hindi naming inuubos an gaming mga oras sa mga walang
katuturang Gawain at higit sa lahat sumusunod kami sa alituntunin at
Gawain.samantalang ang isa sa aking kaibigan na si reymart ay lagi
akong tinutulungan sa aking mga asignatura pagka medyo mahirap
ito.palagi kaming nasagot sa bawat tanong ng aming guro.at isa ko
naming kaibigan na si Alexander ay ipinagmamalaki ko dahil napakabait
niya sa akin,siya ang pinakamalapit at pinaka kasundo ko sa aming
limang magkakabarkada.napapasaya nila ako dahil sa kanilang mga biro at
kahit minsan ay napipikon ang iba dahil nabibiro niya ito ng hindi tama
o maganda sa pandinig pero kahit ganun ay hindi kami nagtatanim ng sama
ng loob sa isat-isa.kung kayat sa loob ng isang taong pagkakaibigan
naming lima ay nagging matibay ito dahil ang bawat isa sa amin ay may
tiwala sa isat-isa.kaya ngayong buwan ng abril na araw ng aming
pagtatapos sa highschool ay magkakahiwa-hiwalay kaming lima ang iba ay
magtatrabaho upang makapag ipon at magamit ko sa aking pag-aaral sa
kolehiyo at alam kong mahirap ang aking tatahakin at mararanasang hirap
sa buhay at kahit ganun ay kakayanin ko itong lutasin at lampasang
lahat ito,dahil sa kagustuhan kong gumanda at guminhawa ang aking buhay.
At ang plano ko sa aking buhay ay suklian ang mga hirap,pag-aaruga at
pagpapalaki sa akin ng aking mga magulang,nararapat lamang na bigyan ko
ng halaga ang mga nagawa nila sa akin kayat pag ako ay nakatapos sa
aking pag-aaral ay tutulungan ko sila at nais ko rin guminhawa ang
kanilang buhay kahit sila ay matatanda na at wala nang masyadong
kakayahan.
Ito ang aking talambuhay salamat sa pagbabasa!!!!!!!!
0 (mga) puna:
Mag-post ng isang Puna