Saturday, February 26, 2011

Ang Talambuhay ni Mernilo G. Rayos Jr.

Cute ba?? ako yan...:))
Isang maaliwalas na araw ika-15 ng Desyembre taong 1994 ng ipinanganak ang ang panganay na supling nina Mylene G. Rayos at Mernilo R. Rayos Sr. Pinangalanan nila itong Mernilo G. Rayos Jr. Isinunod ito sa pangalan ng kanyang ama. nakatira ang mag-anak na ito sa Brgy. Concepcion, Lungsod ng San Pablo
Kasama ko sa kuhang to ang ama at kapatid ko
Ako po si Mernilo G. Rayos Jr. Labing anim na taon, nakatira sa Brgy. Concepcion Lungsod ng San Pablo. Naikwento sakin noon ng aking ina na nung bata pa daw ako ay nag karoon ng sakit na bronchitis at lagi daw akong na-oospital, napaka sakitin ko daw noon. Pero nakaraos din, napagaling nila ako, hindi ko lang alam kung madadala pa ito hanggang ngayon sa pag laki ko.Meron akong 3 kapatid, Sumunod sa akin ang pangalawang kapatid ko na si Angel Lordes G. Rayos na ngayon ay labing apat na taon na. Pagka daan ng ilang taon ipinanganak ang bunso kong kapatid na si Moses G. Rayos na ngayon ay labing isang taong gulang na. Meron akong kapatid sa ama. Mas nauna siya sa aming mag kakapatid. Siya ay si Zyra Zadora B. Rayos na ngayon ay dalawampu`t apat na taong gulang na. Lagi ako noon nadadapa at nadidisgrasya tulad nung umakyat ako ng puno ng lansones. Nabali yung hinahawakan ko, yun pati braso ko bali. Tsaka nung napaso ako ng nag aapoy na sako. Dumikit sa paa ko at nag nag dulot ng malaking sugat. Halos wala na daw mapaglagyan ng sugat ang katawan ko noon sa dami ng natatamo kong sugat sa bawat araw kaya minasan nalang ako noon palabasin ng bahay.
Kasama ko ang mga kapatid at pinsan ko
Eto kaming mag anak

Una kong pasok ng Kinder Garden nung 5-taon gulang na ako. Medyo pilyo ako noon at makulit at aminado ako hanggang ngayon. Lagi ako noon napapagalitan ng mga naging guro ko noon. Pero ayos lang, sila ang mga tumulong sa akin para umabot sa kinalalagyan ko ngayon. Naka graduate ako ng Kinder Garden at tumuloy parin ako ng pag aaral ng elementary. Pumasok ako ng elementary sa San Pablo Central School. Madami ako doon naging kaibigan at napasali din ako nun minsan sa mga paligsahan sa aming paaralan. Muntik na kiming manalo noon sa larangan ng volleyball kaso sayang MUNTIK lang talaga.Lagi parin ako nun napapagalitan ng mga guro ko. Nadala pa ako noon sa Principal`s office dahil nga sa kakulitan na aking taglay. Napagkamalan kasi ako nun na nag tutrumpo sa may tapat ng computer room. Sabi nila sakin kaya daw siguro nababasag ang mga tile nun doon kasi lagi daw ako nag tutrumpo dun. Pero nag paliwanag ako nun ng ayos at inilathala ko ang bawat pangyayari pero pinatawag parin ang mga magulang ko noon. Napagalitan ako noon ng napakatindi at sangkatutak na sermon ang natanggap ko. Medyo attentive din ako nun sabi ng guro ko. Pero hindi ko alam kung paano. Naka graduate ako nun ng elementary at nag tuloy parin ng pag aaral.

Eto na ako nung ako ay makatuntung ng $th year high school
Eto ang lugar kung saasn naganap ang J.S prom namin
Pumasok ako ng high school sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Dito ako natutong bumarkada, bumisyo, mag computer, makipag away, makipag kaibigan , at mag mahal. Madami akong naging sabit, sabit sa gulo, sabit sa mga subject teachers at sa kung saan saan pa. Marami na din akong naging karanasan tulad ng ma guidance dahil napa away, naaksidente sa school dahil parin sa kakulitan. TApos hanggang sa 4th year namin. umiiral parin ang katigasan ng ulo kaya eto, mas madaming sabit sa mga guro, ndi pa sigurado kung mag kaka igi baga. Eto ako ngayon nag hahabol sa mga guro at nakikiusap. Sinisubukan mag sipag at mag tyaga para may maipag malaki pag dating ng panahon tsaka mataas pati ang expectations sakin ng mga magulang ko kaya nag pupumilit na mkabawi ako.

No comments:

Post a Comment