 |
pogi no |
 |
tropang walang umay |
 |
cute too be |
 |
aus |
 |
mukang bagung inom |
Ako si jervis ian cardinoza na ipinanganak
noong ika 07 ng nobyembre 1994 sa City Hospital Lungsod ng San
Pablo.Ako ay kasalukuyang nakatira sa Brgy San Marcos, San Pablo
City.Ang aking ina ay si thelma cardinoza, hindi ko na nakagisnan ang aking
ama at kahit pangalan nya ay hindi ko
alam.Isang taon palang ako ay iniwan na ako ng aking ina sa aking lola
sapangkat isinangkot ang aking ina sa isang krimen ang hindi nya
ginagwa.Simula noon nagkalayo na kami.Bata pa ako ay ang lola ko na ang
nagalaga sa akin. Sya ay si tiya helen, pero sa kasamaang palad pumanaw
sya noong ako ay 6 na taong gulang sa kadahilanang sya ay
nagkasakit.Ang aking lolo ay si Potenciano Pria. Ng mamatay ang aking
lola ako ay tumira sa aking Tiya at Tiyo. Sila ay sina Tiyo Ayot at Tiya Marie na kung tawagin ko ay mama marie at papa ayot. Sila
na ang tumayong mga magulang ko simula ng iniwan ako ng aking lola.
Mayroon silang tatlong anak at sila ay sina Kuya Warren, Ate Michelle
at Kuya JR. Sila naman ang nagsilbing mga ate at kuya ko.Pero may mga
pagkakataon na binibisita ko ang aking ina at nagkakasama kami. Sa
Bagong Lipunan Elementary School
At nung akoy grade 5 na ang aking naging guro ay
si Mrs Llave siya po ay napaka istrikta sa amin pero pag kalaan ng
ilang buwan ay siya rin ay nakasundo ko. Mataray lang po pala siya pag
hindi nasunod sa kanya ang kanyang tinuturuan. Naging kaibigan din po
siya ng aking nanay. Pag minsan ay ako rin po ang kanyang inuutusan
kung may bibilhin siya sa canteen. Pero naging Masaya din po ako dahil
marami rin akong naging kaibigan at kalaro. Marami narin akong
natutunang bagong laro. Kagaya ng mga sipa at mga sikyo o kahit na
anong laro. Pag minsan ako ay lagi akong nahuhuli dahil ako ay mabagal
tumakbo nung magtatapos na kami ng grade 5 ay kami ay nag swimming sa
villa gregoria. Marami kaming pag kain noon at kumpleto po rin kaming
mag kakaklase magkakasama rin po ang aming mga magulang. Dahil po sila
ay nag aayos n gaming kakainin at sila rin po ang aming tagabantay sa
amin pagkatapos po naming mag swimming. Kami rin po ay umuwi agad.
at nung grade 6 ang
naging guro ko po nun ay si Mrs. Torres. Siya po ay di ko makasundo
dahil sa kanyang ugali siya po ay napaka taray kahit konting ingay
lang po naming mag kakaklase ay kami po ay pinapagalitan at pinapatayo
nang ilang oras. Pagminsan ay naglalaro kami ng kompyuter sa gym pag
minsan ay nahuhuli kami n gaming guro. Pagkami ay nahuli ay may
panibagong parusa na naman kaming magkakaklase.
Marami
akong natutunang mga bagay sa elementarya at kailangan ko nang umunsad
sa high school. Pumasok ako sa Colonel Lauro D. Dizon Memorial
National High School. Pero bago ako pumasok ay kumuha muna ako ng
pagsusulit dito para makapasok sa science na seksyon, pero di ako
nakapasa. Kaya nasa seksyon 4j ako nang ako ay pumasok pero nagkaroon
pa ng isang pagkakataon para makapasok sa 4h at sa awa ng Diyos ay
nakapasa ako at naging estudyante sa 4h. sa unang araw ng pasukan
sa unang antas ay masyadong tahimik ang karamihan dahil hindi pa
masyadong nagkakakilala ang bawat isa. Ang aming adviser noon ay si Mrs.Putungan, magaling siyang magturo ng Math at masaya ring kasama sa
klase. Mas natuto ako noon na magcomputer, natuto akong magresearch
noon kasi ang tangi ko lamang na ginagawa sa computer ay ang maglaro ng
iba`t- ibang laro sa computer. Pero hindi lamang pagreresearch ang
aking natutunan kasi natuto rin ako ng isang online game. Ito ay ang Cabal Online. Minsan sa tuwing tapos na akong magresearch at may natitira pa akong time ay naglalaro
ako ng Cabal. Kailangan lamang dito na lumevel ng mas mataas at
mapalakas ang isang character na napili mo. Sa taong 2009- 2010 ay
nakatungtong ako sa ikalawang antas ng mataas na paaralan at ang aming
adviser ay si Ma` am Juliano. Masaya ang taong iyon kasi maraming
masayang bagay ang aking naranasan. Ganoon din sa ikatlo ng antas, sa
kasalukuyan, dahil mas kilala na namin ang isa` t- isa.Pagkatapos ng aming swimming ay nag inuman na naman kami,haiz. .
. ang pakiramdam ko talaga noon ay tutumba na ko,kasi lasing na lasing
nako nun.Kaw ba naman ang mag inum ng dalawang beses sa isang okasyon
lamang.
Pagsapit noon ng hapos ay nagkayayaan na
kaming umuwi na at pag uwi ko ay pinipilit ko na wag mag ekis ang aking
lakas kasi liyung liyo pa ko nun e.Pero di bale na kasi hinatid naman
ako ng aking GF bago umuwi eh,kaya masaya.Pag uwi ko samin ay agad
akong tinanong ng aking mga magulang kung bakit daw hapon nako
umuwi,ang sabi sa kanila ay wala lang akong masakyan pauwi,naniwala
naman sila sakin kahit alam ko na mali ang magsinungaling atleast
nakalusot ako sa tiyak na sermunan na mang yayari sakin dapat nun.
Ang laki ng pasasalamat ko sa aking Gf na nag aalaga sakin sa
lahat ng oras na kailangan ko ng katuwang sa aking mga problema na
hindi ko kayang solusyunan magisa.Syempre nagpapasalamat din ako sa
aking mga kaibigan na dinadamayan ako sa mga problema ko kahit inuman
lang ang hinahatid nila sakin.heheh.
No comments:
Post a Comment